Tuesday, March 1, 2011

My Happiness







Minsan naisip ko, anu nga ba ang tunay na kahulugan ng KALIGAYAHAN? Madami akong isinaalang-alang para lang malaman ang tunay na kahulugan nito. Naroon na ang mga materyal na bagay, seguridad sa pinansiyal na aspeto ng buhay, pagkakaroon ng maayos na tirahan at pananamit. Kung anu-anu at kung saan-saan ko hinanap ang kahulugan nito. Palinga-linga kung saan at kung anu-anu ang iniisip ko para lang maramdaman at malaman ang tunay na kaligayahan.
Malayo na ang narating ng aking isipan, umabot sa puntong nawalan na ako ng pag asa na mahahanap ko ito. Hanggang nagkaroon ako ng asawa at anak, subalit hindi ko pa rin naramdaman ang hinahanap ko. 
Minsan naisip ko, baka sa sobrang paghahanap ko, nalampasan ko na ang tunay na hinahanap ko, hindi ko na napansin dahil kung saan ako nakatingin habang nasa daan ako.
Pinilit kong magbalik tanaw, at habang nasa daan ako pabalik marami akong nakita na lubos na nagpaligaya sa akin. Unang- una, ang aking sariling pamilya na laging nakasuporta sa akin, anumang desisyon at sitwasyon ang pasukin ko. Pangalawa, ang asawa ko, na kahit hindi niya ipakita ang pagmamahal niya sa akin sa pamamagitan ng paglalambing, nakikita ko yun sa mga mata niya at  sa pag unawa niya sa ugali ko na kung minsan ay hindi kaaya-aya. Pangatlo ang anak ko, na kahit hindi ko turuan ng paglalambing, paulit ulit niya pa rin akong nilalambing at minamahal. Marami pa akong nakita, kasama na dito ang mga kaibigan ko noong nag aaral pa ako sa sekondarya, mga kaibigan ko na sa kabila ng layo ng aming kinaroroonan, nakukuha pa ring makipag kumustahan. 
Madami din pala akong nakaligtaan sa paglalayag ko sa buhay. Malayo kasi ang tanaw ko, nakalimutan kong tumingin sa ibaba kung saan naroroon ang mga taong nakakapagpaligaya sa akin.
Akala ko wala ng kaligayahan sa mundong ito. Mali pala ako, kailangan lang tingnan ang mga taong mahalaga sayo, kailangan lng pahalagahan sila para pahalagahan ka rin. Dito pala sa mundo, mababaw lang ang tunay na kaligayahan, ang Diyos, pamilya, kaibigan at ang kapwa mo. 
Nakalimutan ko na ring makipag saya sa aking mga kaibigan dahil sa andito lang ako sa loob ng bahay, nakalimutan kong lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, itapak ang paa sa lupa, damhin ang hangin sa aking mukha at nakalimutan kong makihalubilo sa ibang tao. Naging abala ako sa ibang bagay, naging abala ako sa pag iisip ng kinabukasan. 
Ngayong alam ko na, na dapat ang buhay huwag masyadong seryosohin para makamtam ang kaligayahan na hinahanap mo.
Share |

No comments:

Post a Comment